Hi kuya Stell! Happy Birthday po at maraming salamat po kasi kayo po naging inspirasyon ko. Kayong lima po ang nagbibigay saya saakin at hindi ko po talaga inaasahan na magiging isang A'tin po ako kasi po nung unang makita ko po kayo naisip ko na baka hindi ko naman magustuhan yung music ninyo. Pero po kinain ko lang ang sinabi ko, simula po nung napakinggan ko ang kanta ninyong Go Up nagustuhan ko po pero naninibago ako kasi first time ko po makarinig ng ganun na kanta pero nung tumagal po hindi ko inaasahan na mas nagugustuhan ko na ito, di ko rin namamalayan na paulit ulit ko nang pinapanood ang mv sa youtube. Tapos po nung nalaman ko na may concert po kayo dito sa Bicol, inabangan ko po talaga at nagregister ako agad. (Fast Forward na po haahaha) nung nakita ko kayong mag perform sobrang saya ko talaga po kasi nakita ko kayo sa personal tsaka sobrang ganda po sa feeling habang nag fafanchant po ako ng alab, di ko po talaga yun makakalimutan. Lalo na po nung nakita kita na naglalakad sa isle nun, ang gwapo niyo po hehe. Sana po makita ko ulit kayo sa personal ng mas malapitan.
Bago ko pala po makalimutan, mag ingat po kayo ha. lagi po kayong magdasal at kung may problema man po kayo, lagi niyo pong tandaan na nandito lang kaming A'tin. Hinding hindi ko po kayo iiwan promise ko yan. Kahit man po hindi niyo ako kilala sa personal patuloy pa rin po akong maniniwala saiyo at hindi ako titigil sa pag suporta sainyo. Kakayanin po natin lahat ng pagsubok basta sama sama po tayo. Kasama niyo po ako sa journey ninyo hanggang sa maging international artists po kayo at hanggang sa matanggap ng lahat ng Pilipino ang SB19 hindi ko po kayo iiwan. Patuloy ko po kayong ipaglalaban sa mga naninira sainyo at patuloy pa rin akong maniniwala sainyo. Kung may pinagdaraanan man po kayo na feeling niyo hindi niyo na kaya, na parang wala ka nang magawa, tandaan niyo po lagi na may isang tao na laging naniniwala at patuloy na maniniwala sainyo. maraming maraming salamat po kuya Stell dahil hindi kayo sumuko sa pangarap niyo. Thank you po kasi nakilala ko kayo basta po promise hinding hinding hindi po ako aalis lagi po akong nandito. Salamat po ah. Alam ko po hindi sapat ang maraming salamat dahil malaking tulong po ang binigay niyo lalo na po saakin. Kasi po kapag nakikinig po ako ng kanta niyo o kaya nanonood ng mga video niyo, nawawala po lahat ng problema ko, nakakalimutan ko na malungkot ako, kapag nararamdaman kong walang naniniwala saakin kayo po lagi ang naaalala ko. Kaya sobrang salamat po talaga, dahil sainyo natuto akong mangarap ulit. Sorry po kung dito po ako nagdrama. Basta po andito po ako palagi. I love you po kuya Stell.
Love,
Myleene ❤️