Maligayang kaarawan sayo! Sobrang saya ko ngayong araw dahil birthday mo. At napakasaya kong makita na ang daming naggi-greet sayo. Nung salubong ng birthday mo kanina, feeling ko New Year! Nagccountdown ang mga tao kung ilang minuto na lang bago magpalit ang date. At pagpatak ng 12mn, sunud-sunod na ang greetings sayo. Ang daming nagmamahal sayo no, Stell? Sana maalala mong isa ako sa mga nagmamahal sayo. Pasensya ka na wala akong extraordinary gift sayo :( Messages lang, pero lahat naman yun galing sa puso ko <3
Btw, alam mo, 34th wedding anniversary ngayon ng Mama at Papa ko. Kasabay ng birthday mo~! Natutuwa ako kasi napaka-special ng June 16 sakin, dahil araw ito ng tatlo sa pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon. =)
Kasama ka sa mga dasal ko, Stell. Nawa lagi kang gabayan ni Lord, ano man ang gawin mo at saan ka man magpunta. At nawa lalo ka pa Niyang i-bless, at mas lalo pang dumami ang buhay na mapasaya at ma-inspire mo. May He also keep your loved ones safe, happy, and healthy always. At nawa matupad lahat ng pangarap mo, lalo na yung para sa sarili at pamilya mo <3
Nga pala, natweet ko na to sayo dati, pero baka di mo nabasa kaya sabihin ko uli sayo hehe.. Someday, magfa-fansite ako para sayo at sa SB19. Isa na yan sa mga life goals ko haha.. Wala pa akong adequate skills at proper equipment ngayon, pero hintayin mo ko ah? =)
Love you so much, Stell. I'm so happy nakilala kita. Maraming salamat sa pagpapasaya sa akin, sa amin. Lagi mong tatandaan na nandito lang kami lagi para sayo, araw man o gabi, at maaraw man o maulan ang buhay. Sana wag kang mahihiyang magsabi samin pag may problema ka.. Pamilya tayo, diba? Kapag kailangan mo ng tulong namin, we've got your back, Mahal! Just call us and we'll do our best for you. Ang lakas mo kaya samin! =) God bless you always, Stell! *yakap na mahigpit* <3
Nagmamahal,
Myrtle (@pixiemyrtle)